 | ♥♥♥MatsuJun-hime♥♥♥ | Jun 28, 2008 |
  ARASHI 嵐 fangirl, ♥♥♥s MATSUMOTO JUN to bits ARASHI owns my HEART, SOUL AND OVARIES \(^0*)/ ♥ half of my heart belongs to Ohno and Aiba   | ♥♥Message from Hime-sama♥♥ | Jul 16, 2010 |
 Title: My 100th day with him Genre: Fluff/Romance Rating: PG Pairing: Matsumoto Jun x Original Character Beta: ShyUnique (^o^)/ Disclaimer: Johnny’s own Matsumoto Jun so is Arashi, I only own my scattered brain. An entire work of fiction... more  | ♥♥Things to Remember♥♥ | |
- well what can i say? NatsuNiji is very promising! I hope it got a good rating from the first episode. Gambatte MatsuJun-sama!!!
- matsujun, what will i do with you??
- ryo nishikido is known as mr.poison tongue? i wonder who has
the sharpest tongue between him and my beloved DoS (matsujun-kun)
- vote for ARASHI on BOP minna onegashimasu! let them battle with kat-tun! ahehe. would love to see both JE boys battle over this. but let ARASHI win okay?
- dahil sa brownout hindi ko natapos ang pikanchi double! urhg!
- OMG! my grecian friend will send me a copy of ryoko hirosue's movie "wasabi" fresh from thessaloniki! it's a good thing i have friends who share the same interests as mine. can't wait for her package.
- i don't know if i will continue this story. january of this year ng sulatin ko ang story ni mariel pero nung magka-work ako hindi ko na napagtuunan ng pansin, since i became very busy. ang dami ko naring na-research para sa novela ito. hindi ko alam kung pano ko gagawin ang ibang eksena. na-stuck ito sa chapter five. anyway here are some scenes from the story. originally ang title nito ay bewitched by you. ayun ang naka-save sa file ko.
CHAPTER ONE
MALAKAS at sunod-sunod na katok ang gumimbal sa pananahimik ni Mariel sa loob ng kanyang madilim at masukal na kuwarto. Animo ay isang kuweba sa kadiliman ang kuwarto niya. Ang dating kulay pink na pintura niyon ay pinalitan niya ng itim. For her, the world is gloomy. That was what she’s feeling for a long time now—one month to be exact. Hindi sapat ang pagkain ng sinabawang gulay para maging makulay ang buhay. Mula nang iniwan at ipagpalit siya ng boyfriend niya sa ibang babae ay naging madilim na ang paligid niya.
“Hoy, Marina Elizabeth! Lumabas ka na riyan sa lungga mo!” sigaw ng Kuya Daryl niya sa labas ng kanyang kuwarto
“Wala akong balak lumabas dito!” balik-sigaw naman niya. Pinagtuunan niya ng pansin ang binabasa niyang tabloid. Kanina pa niya binabasa ang isang advertisement na nakasulat doon. Napukaw niyon ang interes niya: Madame Zula… kung ano ang gusto mong mangyari ay mangyayari…
“Mariel! Mahiya ka nga sa sarili mo! Ilang linggo ka nang hindi naliligo!” sigaw uli ng kapatid niya.
She snorted. Tama bang ipagsigawan nito iyon sa buong bahay nila? Sa lakas ng boses nito, siguradong narinig iyon ng mga kapitbahay nila. Ngunit tama rin ang kuya niya. Magda-dalawang linggo nang hindi nakakatikim ng body wash, loofah, at shampoo ang katawan at buhok niya. Sa totoo lang, super-oily na ng hair niya. At underwear lang ang pinapalitan niya. Daig pa talaga niya ang namundok sa tralala sa anyo niya.
Isang buwan na halos siyang nag-e-emote at nagmumukmok sa loob ng kuwarto niya. Kakain lang siya kung kailan niya gustong kumain. Mabisa palang pagbabawas ng timbang ang depression. Ilang pounds din ang natanggal sa katawan niya dahil doon. Isang tao lang naman ang sanhi ng ipinagkakaganoon niya.
“Lumabas ka na riyan!” hindi lang katok ang ginagawa ng kapatid niya, binabayo na nito ang pinto ng kuwarto niya. May palagay din siyang tinatadyakan na rin nito iyon para lang pagbuksan niya. “Baka nagbabalak ka na ring magbigti!”
“Walang lubid dito sa kuwarto ko para magbigti ako!” she maybe stupid but she’s not suicidal. Hangga’t hindi siya nakakaganti sa ex-boyfriend niya ay hindi pa napapanahon ang paglisan niya sa mundo. Kailangang nasa kanya ang huling halakhak.
She seeks revenge! Hindi puwedeng siya ang talunan sa kanilang dalawa ni Harry, her boyfriend for one and a half years. Harry… ang talipandas na iyon ay kailangang magbayad sa kanya!
“Wawasakin ko na itong pinto ng kuwarto mo! Susunugin ko lahat ng CDs at posters mo.” babala ng kapatid niya.
Pagkarinig niya sa sinabi nito ay agad na tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kama. Hindi siya makakapayag na sirain nito ang pinto ng kuwarto niya, lalo na ang binabalak nitong pagsunog sa mga CDs at posters niya. She loved My Chemical Romance to death, hindi siya makakapayag na lapastanganin nito ang collections niya. May authograph pa naman iyon ng banda na pinaghirapan niyang makuha. Pinagbuksan niya ito ng pinto.
“Naalarma ka?” ngising-ngisi ang kuya niya.
Napasimangot siya. “Jerk! Istorbo ka talaga kahit kailan.”
Dinutdot nito ang noo niya. “Mas matanda pa rin ako sa`yo, umayos ka. My goodness, tingnan mo nga` yang sarili mo, tinalo mo ang taong-grasa sa kanto,” iiling-iling na sabi nito. “Maligo ka na. Nakakahiya ka. Kapag nalaman ni daddy `to, ako na naman ang malalagot sa kanya.”
Tatlo silang magkakapatid. Ang Kuya Daryl niya ang panganay, na sinundan ni Nathan at siya ang nag-iisang babae at bunso sa kanila. Tigok, este, namayapa na ang mommy nila, limang taon na ang nakakaraan dahil sa breast cancer. Ang daddy naman nila ay mahigit dalawampung taon nang nagtatrabaho sa isang Carribean cruise ship bilang Chef.
Hinatak siya ng kuya niya palabas sa kanyang kuwarto. “Kuskusin mo nang maigi ang katawan mo. Puwede nang tamnan ng kamote sa kapal ng libag mo.”
Asar na kinalas niya ang kamay ng kuya niya na nakahawak sa braso niya. “Manang-mana ka sa kaibigan mo!” singhal niya rito.
“Uuuy! Naalala niya ang kaibigan ko. Nandiyan siya sa ibaba.”
“Care ko naman d’on?” inunahan niya ito sa pagbaba sa hagdan.
..i can't seem to post it on my blog. copy paste lang naman ginagawa ko pero ang loko ayaw. java script daw is not allowed ano ba yun kainis!
- obsessing with two of the most handsome japanese actors. my long time crush takeshi kaneshiro and yutaka takenouchi (hayz...*sighs*...drools) and reminiscing the cuteness of ryoko hirosue love her :)
- happy birthday matsujun!!!
aishiteru yo!
- chapter 10 on the go! i'm excited to finish ryan and angela's story...
  | what's hot | Mar 26, 2009 |
 Boys Over Flowers (꽃보다 남자) is a 25-episode[1] South Korean television drama broadcast by KBS2TV in 2009. This is the Korean drama adaptation of the Japanese manga Hana Yori Dango. It is the equivalent of Taiwanese drama Meteor Garden and Japan's... more |  | ♥♥yoroshiku onegaishimasu♥♥ | |
 | Hi! wala na tlga akong naorder na arashi cover na september issue. kaya 1 magazine lang pwde ko ipship sayo. sorry, irerefund ko nlng yung other payment mu. |
 | hi. :)) smart po yung gamit ni ate maegan last night. ---> 09205658129 |
 | hindi ko n matandaan e. umiiral n yata ang memory gap q.. |
 | na send ko n. natanggap mo n b? |
 | Ano ate??? nabasa mo n b? |
 | salamat pala ulit ate sa link :) |
 | ay ako ate hindi naman haha minsan nakikita ko siyang cute kaya crush ko lang siya hehe |
 | saan mo ate isesend? fb o dito? hehe natutuwa kasi ako ky ohno-niichan! para sa akin ate oniichan ko siya haha |
 | ang dalas mo ata magpalit nang layout lately |
 | ate leng! meron ka bang mga videos ng VS. Arashi na may subs? gusto ko kasi siyang iDL eh. |
  |  |   |
| |